Viral Philippines https://www.viralphilippines.com Sharing Trending Information Thu, 22 Oct 2020 08:34:09 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.6.2 https://i0.wp.com/www.viralphilippines.com/wp-content/uploads/2016/03/12321587_558125797685187_3729459825105153354_n.png?fit=32%2C32&ssl=1 Viral Philippines https://www.viralphilippines.com 32 32 108050726 Idol Raffy Tulfo, Pinatitigil na sa Trabaho https://www.viralphilippines.com/idol-raffy-tulfo-pinatitigil-na-sa-trabaho/ Thu, 22 Oct 2020 08:33:49 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=431 Ipinagtapat ni Raffy Tulfo na sinabihan na siya ng kanyang cardiologist na mag-retire sa public service dahil baka makaapekto ito sa puso niya.

Hindi maiwasang mag-alala ng doktor ni Tulfo dahil hindi kaila rito na hindi nawawalan si Tulfo ng mga nilulutas na problemang isinusumbong sa kanya ng mga mamamayan sa kanyang programa. 

Pero tumanggi raw si Tulfo sa payo ng kanyang doktor na iwan ang trabaho. 

Lahad ng 60-year-old broadcaster: “One of my cardiologists called me up. Kung puwede, mag-retire na raw ako.

“Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya yung estilo ng programa ko.

“Sabi niya, eventually, baka tatamaan ka sa puso.”

Pero sadyang mahal daw ni Tulfo ang kanyang trabaho. 

Bukod dito ay hindi maikakailang kumikita nang husto ang Youtube Channel ni Tulfo, na ngayon ay mayroong 16 million subscribers. 

“Sabi ko sa kanya, “I know, but that really makes me happy.

“Meaning, nag-e-enjoy ako sa trabahong ito.

“So kahit na may stress, nababawasan ang time, gusto ko naman talagang gawin iyon in the first place.” 

Kahapon, October 21, nakapanayam si Tulfo ng piling entertainment press sa virtual presscon para sa Idol In Action ng TV5.

WALANG IWANAN SA TRABAHO

Aminado si Tulfo na naaapektuhan din siya ng mga problemang inihihingi sa kanya ng tulong ng ating mga kababayan.

“I would be lying to you kapag sinabi ko na hindi,” saad ng batikang broadcaster. 

“In fact, I’ve been seeing a lot of doctors about my health, and karamihan sa kanila, sa mga doktor na pinupuntahan ko, sinasabi that’s part of your stress.

“Now, paano ko nama-manage yung aking stress?

“Kailangan may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa iyan, kahit gaano kakumplikado iyan, at least, nakakabawas yung stress ng job na ‘yon because you love it.” 

Hindi raw kayang iwan ni Tulfo ang kanyang trabaho. 

Paliwanag niya: “Walang iniwan iyan sa pagba-basketball. Nag-e-enjoy kang mag-basketball kahit mahirap, kahit masakit.

“Ta-tumbling-tumbling ka, and yet, sasakit ang likod mo dahil sa pagod.

“But you’re still doing it kahit nasasaktan ka na, nababalian ka na, because nandoon na talaga sa mindset mo na ‘This is I want to do, because I’m enjoying this.’

“Hindi po ako magsasawa dahil gustong-gusto ko po yung aking ginagawa.”

DALAWANG URI NG SUMBONG NA INIIWASAN NI IDOL

Kung mapupuna ng televiewers, dalawang problema ang hindi tinatalakay ni Raffy sa Idol In Action at sa ibang mga public service show niya—ang mga isyu tungkol sa pulitika at ang away sa lupa ng mga magkakamag-anak.

“Two things ang iniiwasan na talakayin sa Idol In Action, una, ang politics, and then number two, yung mga away-away sa lupa.

“Talagang walang pupuntahan iyan, magkamatayan na yung mga kamag-anak, nag-aaway sa lupa hanggang sa magkaapo-apo, hindi mo talaga mabibigyan ng solusyon iyan,” paliwanag ni Raffy.

“And then, sa politics, never-never naming tatalakayin iyan—na isusumbong yung isang politician, gagamitin kami ng isang politician.

“Hindi namin gagawin iyan dahil alam ko magagamit lamang yung show.”

Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

]]>
431
Kris Aquino, Binara si Herbert Bautista https://www.viralphilippines.com/kris-aquino-binara-si-herbert-bautista/ Thu, 22 Oct 2020 08:24:24 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=428 [...]]]> Nashock ang mga netizens dahil sa mahabang mensahe ng queen of all media na si Kris Aquino sa kanyang old flame na si Herbert Bautista.

Nagsimula ang lahat nang may magcomment sa post ni Kris na excited sa pagbabalik television nito at inirereto niya dito si Herbert Bautista.

Sinagot naman ito ni Kris na hindi diumano siya ipinaglaban ni Herbert Bautista noon.

Sinagot naman ito ni Herbert ng “Anong hindi?”

Pagkatapos mabasa ang tanong ay sinagot ito ni Kris at sinabing wag isulat muli ang nakaraan. Dagdag pa nito ay selfish diumano si Herbert na pinaghintay siya sa mahabang panahon para lang sa wala.

“Please don’t rewrite history. You didn’t when it mattered.

“This isn’t the venue to debate the past, I thought we already did that far too many times?

“Tanong lang – bakit pag nararamdam mong dinededma ka na, bakit kailangan mong magparamdam ka? Di ba napaka selfish na attitude nun?

“Matagal kitang hinintay pero pinagod mo ang buong pagkatao ko kaya for me you are already a closed chapter,”

Bukod dito ay marami ding post sa kanyang instagram account ang queen of all media dahil sa mga malalaking endorsements na dumadating sa kanya.

Punung-puno ng possitivity ang mga posts ng queen of all media ngayon.

Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

]]>
428
Ang Masaklap na Sinapit ni Super Tekla sa kanyang Kinakasamang si Michelle https://www.viralphilippines.com/ang-masaklap-na-sinapit-ni-super-tekla-sa-kanyang-kinakasamang-si-michelle/ Thu, 22 Oct 2020 08:09:19 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=422

Para sa isang komedyante, ang mabahiran ang pangalan mo ng isang iskandalo ay maaring tumapos ng iyong career. Dahil isang bagay na dapat taglay ng isang komedyante ay ang pagiging harmless, all joy, mapagkakatiwalaan mo.


Ang iskandalong kinakasangkutan ni Super Tekla ngayon ay maaaring ending na ng kanyang career.


Mainit na mainit ang pangalan ni Super Tekla online dahil sa interview ng kinakasama niya sa Raffy Tulfo in Action, kung saan inireklamo ito ng pang aabuso sa kanila. Ayon sa kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag, nagsarili diumano si Tekla habang nagpapadede si Michelle ng anak nila at natalsikan pa diumano ang kanilang anak.


Bukod dito, madalas diumanong iiwan na lang ni Tekla na walang pambili ng pagkain ang kanyang kinakasama at aalis para magvlog kasama ang kaibigang si Donita Nose.


Dagdag pa ni Michelle, ayaw diumano ni Super Tekla na alagaan ang kanilang anak kaya inimbita nito ang kapatid ni Michelle para tulungan siya sa pag aalaga ng kanilang anak. Hahawakan lang diumano nito ang kanilang anak kapag magvlovlog ito.


Meron din diumanong mga hindi kanais nais na mga jokes si Tekla tungkol sa kanyang mga pamangkin at mga maseselang parte ng kanilang katawan.
Ngunit sa mga sumusunod na interview ay unti unti ding lumabas ang baho ng babae. Ayon sa mga lumabas na balita, ito raw ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot kahit pa sinabihan siya ni Tekla na tumigil na.
Isa pa, kung talagang inaabuso sila ni Tekla ay sana hindi sila nagtagal ng anim na taon.


Agad namang dumepensa kay Tekla ang kanyang mga kaibigan. Gustuhin man diumano ni Tekla na magsalita ay hindi pwede dahil meron siyang contrata sa GMA7. Ayon sa kaibigan ni Tekla na si Donita Nose ay kaya nagkaroon ng sakit ang anak nila ay dahil habang nagbubuntis si Michelle ay gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot.

Screengrab from Youtube: Ogie Diaz

Sa interview din ni Raffy Tulfo kay Ogie Diaz, sinabi ni Ogie na nakausap na niya si Tekla. At sinabi nito na wala raw katotohanan ang mga bintang sa kanya ni Michelle.


Isiniwalat din ni Ogie na sinunog diumano ni Michelle isang condo sa Mplace, na nag cost kay Tekla ng mahigit 2 million pesos. Itinanggi naman ni Michelle na siya ang sumunog sa condo.


Ayon naman sa manager ni Tekla sa si Rose Conde ay hindi muna ito makakapagsalita dahil sa sobrang nadedepress siya at hindi niya akalain na gagawin sa kanya nito ni Michelle na minahal niya sa loob ng anim na taon.
Inamin din ng manager ni Tekla na siya mismo ay sinasabi kay Tekla noon na hiwalayan na si Michelle dahil walang magandang maidudulot ito sa kanya. Ngunit hindi siya pinakinggan ni Tekla dahil mahal niya ito.


Dagdag pa nito, ang video diumano ay planted at ang mga sinasabi ni Michelle sa video ay ang gusto niyang iparating sa tao dahil may balak silang ipatulfo si Tekla. Nagsimula diumano ang pag-aaway nila dahil gusto nang makipaghiwalay ni Michelle kay Tekla at humihingi sila ng pera dito ngunit walang maibigay si Tekla dahil wala pa siyang pera. Dahil walang maibigay si Tekla ay nag aaway na sila.


Hindi rin umano totoo na hindi niya pinakain ang mga ito. Maaring nalate daw dahil nag aaway sila at hindi siya kinakausap ni Michelle. Si Tekla diumano ay natutulog sa labas at sina Michelle pa ang naka aircon.


Ipinahayag naman ng manager ni Tekla ang kanyang disappointment kay Michelle. Yung mga tao diumanong alam ang ugali ni Michelle ay alam ang totoo. Yung time pa diumano na nalate ang pagkain nila ay pinintasan pa ni Michelle ito. Meatloaf ang pagkain at pagkain pa rin diumano yun. Nagpost si Michelle na sa tagal ng hintay ng pagkain ito lang pala ang ipapakain. Si Tekla pa diumano ang nagluluto para sa kanila.


Napansin din ng mga netizens na habang kinakausap siya ni Sir Raffy ay nagsusugal si Michelle. Inamin naman ni Michelle na may problema siya sa sugal pero kasama niya si Tekla sa pagsusugal.


Samantala, nagsalita na rin si Super Tekla sa GMA 7 na kanyang network. Sabi nito:


“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle.”


“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko.”


“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.”
“Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”


Sino ang nagsasabi ng tama? Sino ang may kasalanan? Kayo na po ang humusga.


Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

]]>
422
WATCH! Super Tekla, Nagsalita Na! https://www.viralphilippines.com/watch-super-tekla-nagsalita-na/ Thu, 22 Oct 2020 05:23:58 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=418 [...]]]> Sinagot na ni Super Tekla ang mga alegasyon sa kanya ng live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag.

Panoorin ang video na ito.

Mainit na mainit ang pangalan ni Super Tekla online dahil sa interview ng kinakasama niya sa Raffy Tulfo in Action, kung saan inireklamo ito ng pang aabuso sa kanila. Ayon sa kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag, nagsarili diumano si Tekla habang nagpapadede si Michelle ng anak nila at natalsikan pa diumano ang kanilang anak.


Bukod dito, madalas diumanong iiwan na lang ni Tekla na walang pambili ng pagkain ang kanyang kinakasama at aalis para magvlog kasama ang kaibigang si Donita Nose.


Dagdag pa ni Michelle, ayaw diumano ni Super Tekla na alagaan ang kanilang anak kaya inimbita nito ang kapatid ni Michelle para tulungan siya sa pag aalaga ng kanilang anak. Hahawakan lang diumano nito ang kanilang anak kapag magvlovlog ito.


Meron din diumanong mga hindi kanais nais na mga jokes si Tekla tungkol sa kanyang mga pamangkin at mga maseselang parte ng kanilang katawan.

Ngunit mariin naman itong pinabulaanan ni Tekla.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle,” sabi ni Tekla.

“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Tekla, siya diumano ang nag aadjust dahil siya ang nanay ng kanyang anak.

“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.”
“Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” sabi ni Tekla.

Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

]]>
418
Janella Salvador, nanganak na! https://www.viralphilippines.com/janella-salvador-nanganak-na/ Thu, 22 Oct 2020 03:55:36 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=411 [...]]]>
Nagsimula ang usap usapan ng pagbubuntis ng singer actress na si Janella Salvador mahigit isang buwan na ang nakaraan, nang marinig ang boses ni Janella sa isang live video ni Marcus na nagsasabing hindi siya allowed tumalon.


At mas tumindi pa ang hinala ng pagbubuntis nito nang tumungo siya sa UK at sumunod din ang kanyang ina at kapatid.


Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang umaamin tungkol sa balitang ito. Samantala, ngayong madaling araw dito sa Pilipinas, October 22, nagpost ng mga larawan ang fashion pulis ng mga larawan kuha mismo sa IG stories ni Marcus.


Isa sa mga larawan ay babaeng makikitang bangs at isang mata lamang ang nakikita. Hindi man kita ang buong mukha ay halata naman ng mga netizens na ang babaeng ito ay ang aktress na si Janella.

Courtesy of Fashion PULIS

At ang larawang ito ay kuha habang ang babae ay nakahiga sa hospital bed.

Courtesy of Fashion PULIS


Samantala, sa isang larawan ay makikita naman ang isang sanggol na nakahiga na tila ay nasa isang nursery room.

Courtesy of Fashion PULIS


Ngunit nang icheck namin ang IG account ni Marcus ay burado na ang mga larawan. Ayon sa ilang netizens ay marahil nakaligtaan lamang ni Marcus na iset as friends lamang ang kanyang stories.

Mayroon ding nakapagsabi na sa sobrang excitement ni Marcus sa pagiging ama ay kaagad niya itong naipost.


Matatandaang may isang anonymous source ang nagconfirm ng pregnancy ni Janella at nagsabing manganganak ngayong Octubre ang actress.
At tila kumpirmado na nga ang sinabi ng anonymous source na yun.
May mga netizens naman ang nagsasabi na sana wag nang itago ni Janella ang kanyang pagbubuntis. Ang iba naman ay pinagtatanggol si Janella at nagsabing huwag maging mapanghusga.


Si Janella na 22 years old ay homegrown talent ng ABS-CBN at nagsimulang sumikat sa daytime teleseryeng Be Careful With My Heart.
Huli siyang napanood sa teleseryeng The Killer Bride (2019-2020).
Si Janella ay anak ni Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.


Si Markus, 22, ay ipinanganak at lumaki sa sa London, United Kingdom.
Umuwi siya ng Pilipinas, at sumali sa reality-singing competition na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.


Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

]]>
411
Super Tekla, Inireklamo ng Kinakasama Dahil sa Pang-aabuso https://www.viralphilippines.com/super-tekla-inireklamo-ng-kinakasama-dahil-sa-pang-aabuso/ Wed, 21 Oct 2020 00:29:21 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=407 [...]]]>
  • Inireklamo ng kinakasama ni Super Teka kay Raffy Tulfo dahil sa pang-aabuso
  • May pinakitang video ito ng isa sa kanilang pag-aaway kung saan nagbitaw sila ng mga masasakit na salita sa isa’t isa.
  • May mga pagkakataon ding gagawa ito ng mga bagay na hindi kanais-nais, at kahit magmakaawa ito ay hindi sila bibigyan ng pera pambili ng pagkain.
  • Inireklamo ng kinakasama ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag, ang komedyante sa programang Raffy Tulfo in Action.

    Nang kinausap na siya ni Raffy Tulfo ay humahagulgol na ito at inilahad lahat ng pang aabuso na ginawa diumano sa kanya ni Superk Tekla.

    Panoorin ang buong video.

    Ang Raffy Tulfo in Action na marahil ang pinaka pinupuntahan ng mga taong may gustong ireklamo.

    ]]>
    407
    Ang Sikretong Itinatago ng Viral na Sundalo na Hinabol ng Kanyang Girlfriend https://www.viralphilippines.com/ang-sikretong-itinatago-ng-viral-na-sundalo-na-hinabol-ng-kanyang-girlfriend/ Mon, 07 Sep 2020 10:31:45 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=400
  • Nag viral kamakailan ang mala-telenobelang feature story ng KMSJ (Kapuso Mo, Jessica Soho.
  • May isiniwalat ang diumano’y pamilya ng ex-girlfriend ng sundalong hinabol ng kanyang girlfriend para magkita sila bago madestino ang lalaki sa malayong lugar.
  • Nag feature ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho ng madamdaming istorya ng dalawang magkasintahan.

    Nalaman ng Viral Philippines na ang pangalang ng lalaki ay Zef Juan at siya ay isang sundalo na madedestino sa Zamboanga. Ang girlfriend niyang si Rachele ay nag effort para makita siya ilang minuto lamang bago umalis ang sundalo. Pinakita ni Zef Juan sa kanyang post kung gaano siya naging masaya na makita ang kanyang minamahal pagkatapos ng mahabang panahon.

    Sa post niya ay makikita ang reunion photo nila ni Rachele na may caption na “At sa wakas NAGKITA NARIN TAYO. Si Lord na kusa gumawa ng paraan para magkita tayo. Thank you Lord. Kumpleto na atung monthsary. ILOVEYOU.” Meron pa itong hashtag na #imagineNOMORE

    Nagviral ang post na ito dahil sa chemistry ng dalawa at maraming netizens ang kanilang napakilig.

    Subalit sa kabila ng matatamis na pangyayari ay may nakakagulat na rebelasyon na ngayon ay trending sa social media. Ilang tao ang nagsasabi na may ibang girlfriend si Zef at nagtaksil ito dito para kay Rachele, ang kasalukuyan niyang girlfriend.

    Nagviral ang post na ito nung Abril ng kanyang ex-girlfriend kung saan pinakita niya dito na meron silang parehong pangarap. Balak nilang abutin ito ng sabay ngunit hindi na ito natuloy dahil nagtaksil ito.

    Nagcomment din ang nanay ng diumanoy ex-girlfriend ng lalaki.

    “Hahahaha. parang naaawa tuloy ako sa bago mong gf. Sana di mo siya paglaruan. Kasi sila pa ngayon ng babaeng pulis tapos kayo na din pala. I thank god na naghanap siya ng way para makawala sayo and my daughter is very happy right now… Thank you for hurting her so much.. Tapos Iniba mo pa yung storya na sabi mo ang anak ko pa talaga ang unang nagcheat sayo. Tsk tsk tsk.. Anyway, thankyou sir roebert sa lahat ng pain na binigay mo sa anak ko tapos ikaw happy happy lang tapos pa’chat chat kapa sa babae mo ngayon.. Mabuti nalang nakilala ka ng buong pamilya namin . we the immediate family consider you as a big nightmare for almost 7 yrs. Sana maging happy ka kasi muntik mo nang sirain ang ang buhay ng anak ko sa lahat ng pasakit na binigay mo. but she’s okay right now . clear the name of my daughter”- The translated comment.

    Nagustuhan niyo ba ang article na ito? Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

    ]]>
    400
    Pahayag ng Tatay ni Lloyd Cadena Matapos ang Kanyang Biglaang Pagkamatay https://www.viralphilippines.com/pahayag-ng-tatay-ni-lloyd-cadena-matapos-ang-kanyang-biglaang-pagkamatay/ Mon, 07 Sep 2020 04:44:44 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=396
  • Naging emosyonal ang tatay ng Kween of YouTube na si Lloyd Cadena
  • Ayon sa tatay ng kamakailan lamang na pumanaw na si Lloyd Cadena, mahirap tanggapin ang pagkawala ng kanyang anak
  • Lubos na nanghihinayang siya dahil hindi man lang sila nagkita ng kanyang anak bago siya mawala
  • Nagtatrabaho ang tatay ni Lloyd sa ibang bansa
  • Sa umpisa ng kanyang vlog ay mahinahon pang nag explain ang tatay ni Lloyd Cadena tungkol sa magiging paksa ng kanyang pinakabagong vlog.

    Ngunit nang magsalita na siya tungkol kay Lloyd ay hindi na niya napigilang humagulgol. Napaupo siya at

    “Anak patawad di na kita nakita”

    Pinagdasal din niya ang kanyang anak. Ayon sa tatay ni Lloyd, alam niyang nasa kamay na siya ng maykapal.

    Ang hirap tanggapin para sa isang ama ang mawalan ng kanyang anak.

    Inalala din ng kanyang ama ang kabataan ni Lloyd at ang kanyang sakripisyo para makakain ang kanilang mga anak ng tatlong beses sa isang araw.

    “Di baleng kami ang hindi makakain basta makakain lang ang mga anak namin.”

    Parang nawalan ako ng lakas kahapon nung sinabi ng anak ko sa Dubai, ‘Papa wala na si Lloyd’.

    Ayon din sa ama ni Lloyd, nasa trabaho diumano siya nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang anak.

    “Bata pa yun, hindi pa niya natupad mga pangarap niya. Hindi pa niya natutupad lahat ng mga pangarap niya.”

    Nagbilin pa daw ang tatay ni Lloyd sa kanya na wag pabayaan ang kanyang mga kapatid kung sakaling mawala siya. Ngunit sa kasamaang palad ay naunang sumakabilang buhay ang sikat na content creator.

    Sobrang namimiss diumano ng tatay ni Lloyd ang kanyang anak at lubos siyang nalulungkot dahil kahit makauwi siya ay hindi na niya makikita ito.

    Panoorin ang buong video nito:

    Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

    ]]>
    396
    Naging Emosyonal si Ivana Alawi sa Kanyang Latest Vlog na Dedicated Kay Lloyd Cadena https://www.viralphilippines.com/naging-emosyonal-si-ivana-alawi-sa-kanyang-latest-vlog-na-dedicated-kay-lloyd-cadena/ Mon, 07 Sep 2020 03:27:54 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=393 [...]]]>
  • Nagpasya si Ivana Alawi na gumawa ng Youtube video na dedicated kay Lloyd Cadena
  • Ginawa niya ang challenge sa kanya ni Lloyd na gagawin sana nilang dalawa bilang kanilang collab
  • Naging emosyonal ang sikat na Youtube Vlogger na si Ivana habang ipinapaliwanag ang challenge
  • Ayon kay Ivana, ibibigay niya ang kikitain ng video sa naiwang pamilya ni Lloyd
  • Isa si Ivana Alawi sa mga taong lubos na naapektuhan sa biglaang pagkawala ng kanyang kaibigan at kapwa Youtube vlogger na si Lloyd Cadena.

    Nalaman ng Viral Philippines na nagpasya ang sikat na content creator na gumawa ng vlog na iniaalay niya para kay Lloyd.

    Ibinunyag niyang ang challenge na ginawa niya ay concept ng pumanaw na vlogger at kanyag kaibigan na si Lloyd.

    Binanggit din ni Ivana na lahat ng kikitain ng kanyang video ay ibibigay niya sa naiwang pamily ni Lloyd.

    “Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request nya, magcarwash kami ng Bus together. Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito,” 

    “Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko. Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire… Rest in paradise,” 

    Panoorin ang vlog sa ibaba:

    Si Ivana Alawi ay isa sa mga pinaka sikat na YouTube content creator sa Pilipinas. Mahigil 8 million ang kanyang subscribers.

    Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

    ]]>
    393
    Ang Tunay Na Dahilan Ng Pagkamatay Ni Lloyd Cadena https://www.viralphilippines.com/ang-tunay-na-dahilan-ng-pagkamatay-ni-lloyd-cadena/ Sun, 06 Sep 2020 16:37:24 +0000 http://www.viralphilippines.com/?p=386

    • Isiniwalat na ng pamilya ni Lloyd Cadena ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
    • Maraming Netizens ang nagkaroon ng haka haka tungkol sa pagkamatay ng sikat na vlogger

    Trending pa rin ang biglaang pagpanaw ng sikat na Youtube vlogger na si Lloyd Cadena.

    Nagkaroon ng haka haka ang mga netizens kung ano nga ba ang totoong dahilan ng pagpanaw nito. May mga report na lumabas na namatay diumano si Lloyd dahil sa heart attack o kaya ay cardiac arrest, ngunit walang kinumpirma ang pamilya nito.

    Ngunit nilinaw na ng kanyang pamilya ang totoong nangyari sa gabi ng Setyembre 6.

    Sa mismong Facebook account ay isiniwalat ng kanyang pamilya na siya ay nagpositibo sa Covid-19 at naconfine sa ospital noong Setyembre 1 dahil sa mataas na lagnat at dry cough. Siya ay sumailalim sa swab test noon ring araw na iyon at dumating ang resulta nitong Setyembre 3 at siya nga ay nag positibo sa Covid-19.

    There are simply no words to express our heartfelt thanks for the prayers and sympathy you have extended to our family during this time of loss. Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3. As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves. His vitals were okay and had no complaints. On September 4, 5am he was seen by the staff unresponsive and pale looking. As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep. He was cremated yesterday and his remains is in our house in Cavite in the meantime.All expressions of sympathy, including flowers and cards are welcome. You may send them to our address at #14 Scarah, Kaingin Rd., Brgy. Sto. Niño, Parañaque City.- Cadena Family

    Maayos naman umano ang kanyang vitals at walang anumang reklamo sa pakiramdam pero nitong Setyembre 4 ay nakita na lang siya ng staff ng ospital na maputla at unresponsive.

    Ayon umano sa doktor ay inatake sa puso si Lloyd habang natutulog.

    Siya ay nacremate noong Setyembre 5 at ang kanyang abo ay nasa kanyang tahanan sa Cavite.

    Rest in Paradise, Lloyd.

    https://youtube.com/watch?v=sKMVyZSdf0U

    Si Lloyd Cadena ay isang kilalang Youtube content creator sa Pilipinas. Mahigit 5 million ang kanyang subscribers.

    Please like and share our Facebook posts to support Viral Philippines. Wag kalimutang mag comment at mag subscribe din sa ating youtube channel.

    ]]>
    386