Idol Raffy Tulfo, Pinatitigil na sa Trabaho

Ipinagtapat ni Raffy Tulfo na sinabihan na siya ng kanyang cardiologist na mag-retire sa public service dahil baka makaapekto ito sa puso niya.

Hindi maiwasang mag-alala ng doktor ni Tulfo dahil hindi kaila rito na hindi nawawalan si Tulfo ng mga nilulutas na problemang isinusumbong sa kanya ng mga mamamayan sa kanyang programa. 

Pero tumanggi raw si Tulfo sa payo ng kanyang doktor na iwan ang trabaho. 

Lahad ng 60-year-old broadcaster: “One of my cardiologists called me up. Kung puwede, mag-retire na raw ako.

“Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya yung estilo ng programa ko.

“Sabi niya, eventually, baka tatamaan ka sa puso.”

Pero sadyang mahal daw ni Tulfo ang kanyang trabaho. 

Bukod dito ay hindi maikakailang kumikita nang husto ang Youtube Channel ni Tulfo, na ngayon ay mayroong 16 million subscribers. 

“Sabi ko sa kanya, “I know, but that really makes me happy.

“Meaning, nag-e-enjoy ako sa trabahong ito.

“So kahit na may stress, nababawasan ang time, gusto ko naman talagang gawin iyon in the first place.” 

Kahapon, October 21, nakapanayam si Tulfo ng piling entertainment press sa virtual presscon para sa Idol In Action ng TV5.

WALANG IWANAN SA TRABAHO

Aminado si Tulfo na naaapektuhan din siya ng mga problemang inihihingi sa kanya ng tulong ng ating mga kababayan.

“I would be lying to you kapag sinabi ko na hindi,” saad ng batikang broadcaster. 

“In fact, I’ve been seeing a lot of doctors about my health, and karamihan sa kanila, sa mga doktor na pinupuntahan ko, sinasabi that’s part of your stress.

“Now, paano ko nama-manage yung aking stress?

“Kailangan may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa iyan, kahit gaano kakumplikado iyan, at least, nakakabawas yung stress ng job na ‘yon because you love it.” 

Hindi raw kayang iwan ni Tulfo ang kanyang trabaho. 

Paliwanag niya: “Walang iniwan iyan sa pagba-basketball. Nag-e-enjoy kang mag-basketball kahit mahirap, kahit masakit.

“Ta-tumbling-tumbling ka, and yet, sasakit ang likod mo dahil sa pagod.

“But you’re still doing it kahit nasasaktan ka na, nababalian ka na, because nandoon na talaga sa mindset mo na ‘This is I want to do, because I’m enjoying this.’

“Hindi po ako magsasawa dahil gustong-gusto ko po yung aking ginagawa.”

DALAWANG URI NG SUMBONG NA INIIWASAN NI IDOL

Kung mapupuna ng televiewers, dalawang problema ang hindi tinatalakay ni Raffy sa Idol In Action at sa ibang mga public service show niya—ang mga isyu tungkol sa pulitika at ang away sa lupa ng mga magkakamag-anak.

“Two things ang iniiwasan na talakayin sa Idol In Action, una, ang politics, and then number two, yung mga away-away sa lupa.

“Talagang walang pupuntahan iyan, magkamatayan na yung mga kamag-anak, nag-aaway sa lupa hanggang sa magkaapo-apo, hindi mo talaga mabibigyan ng solusyon iyan,” paliwanag ni Raffy.

“And then, sa politics, never-never naming tatalakayin iyan—na isusumbong yung isang politician, gagamitin kami ng isang politician.

“Hindi namin gagawin iyan dahil alam ko magagamit lamang yung show.”

Anong masasabi niyo tungkol dito? Wag kalimutang mag comment at ishare ang video na ito at mag follow sa Viral Philippines Facebook Page at Viral Philippines Youtube Channel para sa updates.

Share this:
Facebook Comments Box
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...